Ang Yelp ay isang online na gabay para sa siyudad. Nakatutulong ito para madaling mahanap ang mga pinaka-bonggang kainan, pamilihan, inuman, pahingahan at palaruan. Lahat ng ito'y batay sa maaasahang impormasyon na galing sa komunidad na aktibo at nag-uumapaw sa saya. Yelp ang pinakamasaya at pinakamadaling paraan ng paghahanap, pagre-review at pagdidiskusyon tungkol sa mga kamangha-mangha — at di gaanong nakakabilib — sa lugar mo.
Oo naman! Pwedeng-pwede mong gamiting ang site nang libre, pwera na lang sa mga advertising features namin.
Makakahanap ka ng samu't-saring klase ng tao sa Yelp, gaya ng mga lokal na "nakakaalam" tungkol sa mga astig na kaganapan sa kanilang siyudad, mga bisita na gustong malaman ang pananaw ng mga lokal, at sino man na naghahanap ng magagandang lokal na negosyo.
Ang Yelp Elite Squad ang aming paraan para kilalanin at parangalan ang mga yelpers na aktibo at nagsisilbing magandang ehemplo, sa site man o sa totoong buhay. Ayon sa iba't-ibang aspeto ang pagiging karapat-dapat na maging Elite, gaya ng mga reviews na maganda ang pagkakasulat, mga makabuluhang payo gamit ang mobile, detalyadong personal na profile, aktibong pagboto, pagbibigay ng papuri at maayos na pakikisalamuha sa ibang tao. May Elite badge sa kanilang account profile ang mga miyembro ng Elite Squad. Kung sa palagay mo, ikaw o ang ibang kakilala mo, ay handa na para sa Yelp Elite, bisitahin ang https://fil.yelp.com.ph/elite.
Kasali ang kahit anong lokal na negosyo, serbisyo o lugar na may pisikal na establesimiento. Isipin mo: mga restawran, tindahan, lugar para sa gimikan, salon para sa pagpapaganda, spa, dentista, mekaniko, parke, museo, atbp. Siguraduhin lang na tingnan ang aming Mga Alituntunin ng Nilalaman bago ka magsimulang magsulat.
Nakikinig kami sa magagandang karanasan, di masyadong maganda at kahit ano pa man. Siguraduhin lang na babanggitin mo lahat ng importanteng detalye at 'wag nang mag-imbento ng kwento. Naniniwala kami sa kalayaan sa pananalita, pero tandaan mo na may legal consequences ang pagpo-post ng maling impormasyon.
Nakikiusap kaming 'wag kang magsusulat ng review na may limang bituin tungkol sa lokal na inuman para lang makakuha ng libreng inumin. Kung sakaling sinuswerte ka at inalok ka ng libreng inumin dahil sa kahali-halina mong personalidad, sige at tanggapin mo 'to. Pero 'wag mong kakalimutan ang tungkol sa panlilibreng 'to kapag nagsulat ka ng review.
Gumawa kami ng feature na nagbibigay ng pagkakataon sa mga may-ari ng negosyo na magdagdag ng pampublikong komento sa review. Pwede ka ding magpadala ng mensahe at sumagot kung magdadagdag sila ng pampublikong komento sa review mo.
Kung hindi lumalabas ang review mo sa negosyo kahit naka-log in ka, ito'y dahil hindi kasama sa mga tinatampok sa araw na 'to ang review mo. 'Wag kang mag-alala, kahit hindi kasama sa milyun-milyong nirerekomenda ang review mo, makikita pa din 'to ng ibang tao sa profile page mo at baka masama pa sa mga inirerekomenda sa ibang araw. Pwede kang magbasa ng karagdagang impormasyon sa "Rekomendadong Reviews" na makikita sa ibaba.
Pwedeng bumoto ang mga user sa mga reviews na sa tingin nila ay (tama ang hula mo!) Makabuluhan, Nakakatawa o Astig. Hindi ka pwedeng bumoto sa sarili mong reviews. Pero 'pag nagsimulang makita ng iba kung gaano ka kagaling, di magtatagal ay hahakot ka din ng botong Makabuluhan, Nakakatawa o Astig.
Hinay-hinay lang! Pumunta sa pahina ng External Applications sa Account settings at sundan ang mga hakbang na nakasaad doon.
Pwedeng pumili ang mga user kung paano nila pagsusunud-sunurin ang mga reviews sa pamamagitan ng pagpindot sa isa sa mga link na makikita sa itaas ng mga reviews (halimbawa: ayusin ayon sa petsa, grado, boto, atbp.). Tinitingnan ng default sorter ng Yelp ang iba't-ibang aspeto. Ito ang basehan ng pagkakasunud-sunod na sa tingin namin ay makabuluhan. Halimbawa, mas kikilingan namin ang mga reviews mula sa mga kaibigan mo at sa iba pang user na sinusundan mo. Hindi apektado ang sort algorithm kung ang negosyo man ay advertiser o hindi.
Pwedeng tanggalin ng mga gumagamit ng Yelp ang sarili nilang reviews, at pwede ding tanggalin ng aming user support team ang mga reviews na lumalabag sa Mga Alituntunin ng Nilalaman o sa Mga Tuntunin ng Serbisyo. Walang epekto dito ang pagiging advertiser sa Yelp ng ilang negosyo. Gumagamit kami ng awtomatikong software na nagrerekomenda ng mga pinakamakabuluhan at pinakamapagkakatiwalaang reviews sa gitna ng milyun-milyong reviews na natatanggap namin. Makikita pa din sa site ang ibang reviews na hindi napipili. Ang mga ito'y nasa pahina ng negosyo at hindi nakakaapekto sa kabuuang grado. Pwede kang magbasa ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga "Rekomendadong Review" na makikita sa ibabang bahagi.
Hindi. Nakakatanggap kami ng milyun-milyong reviews galing sa'ming mga user at ang aming tungkulin ay ipakita ang mga reviews na kumakatawan sa opinyon ng nakararami sa komunidad ng Yelp. Bumubuo lang ng tatlong-kapat ng mga reviews na natatanggap namin ang mga nirerekomendang reviews. Pwedeng mabasa ang iba pang reviews sa pamamagitan ng pagpunta sa link sa ibaba ng profile ng bawat negosyo. Pero hindi nakakaapekto ang mga ito sa kabuuang grado ng negosyo o bilang ng reviews.
Tandaan na ang paraan na ito ay hindi katulad ng ibang website na nagtatampok sa bawat negatibong reklamo at positibong pagmamalaki. Ginagawa namin ang aming makakaya upang mapangalagaan ang komunidad ng user na patuloy na nagbibigay ng makabuluhan at mapagkakatiwalaang mga nilalaman.
Gumagamit kami ng awtomatikong software na dinesenyo ng aming mga inhinyero upang magrekomenda ng mga review mula sa komunidad ng Yelp. Ang software na ito ay tumitingin sa dose-dosenang mga senyal, kabilang na ang panukat ng kalidad, pagkamaaasahan at aktibidad sa Yelp. Higit sa lahat, hinahanap nito ang mga tao na may busilak na layunin na magbahagi ng kanilang detalyado at makabuluhang karanasan bawat araw mula sa iba't-ibang lokal na negosyo.
Maraming posibleng dahilan kung bakit hindi kasama sa mga rekomendado ang review. Halimbawa, galing ito sa user na hindi pa gaanong establisado, o kaya ay parang hindi naman nakatutulong sa mga mamimili o tungkol ito sa matinding galit. Oo, ang ilan sa mga review na 'to ay peke (kagayan ng mga review na galing sa iisang kopyuter) at ang iba naman ay halatang may kinikilingan (gaya ng mga sinulat ng kaibigan ng may-ari ng negosyo). Pero ang karamihan ay mga tunay na reviews na mula sa lehitimong kostumer at nagkataon lang na kulang ang impormasyon namin tungkol sa kanila kaya hindi namin magawang irekomenda ang kanilang review.
Hindi. Ang aming recommendation software ay may patas na pagtingin para sa mga nagbabayad para sa pagpapatalastas at sa mga hindi nagbabayad. Marami sa mga nagpapatalastas sa Yelp ang nakakatanggap pa din ng negatibong reviews, at marami din sa mga hindi nagpapatalastas sa Yelp ang nakakatanggap ng 5 bituin bilang grado. At saka, walang kahit anong uri ng relasyon na nag-uugnay sa oras kung kailan irerekomenda ang review at kung kailan ang negosyo ay magdedesisyon – o tatanggi – na magbayad para sa pagpapatalastas: ang mga reviews ay maaaring mairekomenda o hindi mairekomenda matapos ang ilang araw, linggo, o kahit pa ilang buwan mula sa araw na nai-post ito, at ang mabubuting mga sales representative ay hindi maaaring makaimpluwensya kung kailan ito mangyayari.
Sa madaling sabi, walang anumang kaugnayan ang mga reviews at kahit ano pa mang aspeto ng Yelp Ads o proseso ng pagbebenta ng Yelp Ads. 'Yun lang.
Nasa 80% ng mga reviews na aming nirerekomenda ay may 3 bituin o higit pa, ngunit ito ay dahil kadalasan, mas maraming positibong reviews ang sinusulat ng aming mga users. Sa katotohanan, ang mga tagapagsaliksik ng Harvard at Boston University ay nagpatunay na mali ang sabi-sabi na pinapaikot ng Yelp ang mga negatibo, at ito'y napatunayan sa pamamagitan ng pagpapakita na mas marami sa mga rekomendadong reviews ay positibo kumpara sa mga negatibo.
Siyempre, may ilang mga positibong reviews na hindi din naisasama – normal din 'yon, kahit pa sabihin natin na walang kalokohang nagaganap (gaya ng isang taong nagsusulat ng iba't-ibang reviews gamit ang papalit-palit na account), normal na operasyon pa din ng recommendation software na itampok ang mga pinakamakabuluhan at pinakamatapat na reviews kahit ano pa man ang bilang ng bituin na binigay dito.
Tumatakbo araw-araw ang aming recommendation software, kaya pwede ding mabago bawat araw ang resulta. Posibleng may reviews na marerekomenda o hindi rekomendado sa loob ng ilang araw, linggo o kahit pa ilang buwan, mula sa araw ng pagkaka-post dito. Posibleng may nakuhang impormasyon ang recommendation software namin kaya inakala nito na mas katiwa-tiwala ang ibang reviews. Pwede ding mangyari ang kabaligtaran nito. Minsan, naluluma o kaya'y nagiging kulang-kulang ang impormasyon na meron kami tungkol sa isang taong nagsulat ng review, at isinasaalang-alang din ito ng software.
Ang mahalaga, nagbibigay ng magkakaibang resulta sa bawat araw ang aming recommendation software at ito'y ayon sa impormasyong nakukuha nito.
Hindi. Ang aming recommendation software ay eksakto at awtomatikong gumagana para patas ang pamantayan para sa bawat negosyo at ang mga reviews ay hindi naaapektuhan ng personal na kagustuhan ng ibang tao. Maliban diyan, manu-manong tinatanggal na User Support team namin ang mga lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Nilalaman, pero wala silang maaaring gawin para manipulahin o baguhin ang aming recommendation software.
Hindi. Hindi mo dapat hilingin sa mga kostumer mo na magdagdag ng mga reviews sa Yelp.
Una sa lahat, karaniwan na sa mga negosyo na pakiusapan ang masasaya nilang kostumer para magsulat ng review, at hindi 'yong mga hindi nasiyahan. Nagpapakita lang ng maliit na parte ng mas malaking istorya ang mga reviews na maingat na pinili at hindi 'to patas para sa mga mamimili. Mas gugustuhin namin na malaman ang opinyon ng mga miyembro ng komunidad ng Yelp na magsasabi ng karanasan nila kahit hindi sila pilitin ng may-ari ng negosyo.
Hindi ka dapat magtaka kung hindi irekomenda ng software namin ang mga reviews ng mga kostumer na pinakiusapan mong magsulat. Ang pinakamagandang paraan para kumuha ng magandang kalidad at walang kinikilingan na reviews tungkol sa negosyo mo ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng masayang karanasan sa mga kostumer mo – walang kinalaman dito ang paghiling sa mga kostumer mo na mag-post sa Yelp.
Maraming mga website ang ginawa para mangolekta at magpapakita ng napakaraming reviews mula sa iba't-ibang tao. Iba ang Yelp mula sa mga ito; sinusubukan namin ang aming makakaya para bigyang-pansin ang mas maliit na bilang ng mga taong gumagawa ng review. Sinasala namin ang pinakamakabuluhan at pinakamakatotohanang mga reviews batay sa personal na karanasan ng mga mapagkakatiwalaang kostumer sa bawat barangay.
Sa palagay namin, nagagampanan namin ang aming tungkulin kahit pa madaming reviews ang aming natatanggap at ang opinyon ng mga tao ay iba-iba. Hindi ang saloobin namin ang pinakamahalaga sa lahat — magpapatuloy lang ang mga mamimili sa paggamit ng Yelp kung ang mga karanasan na nababasa nila dito ay kapareho ng mga karanasan nila sa tunay na buhay.
Lisensyado ang pangunahing impormasyong tungkol sa negosyo galing sa ikatlong partido na nangangalap ng datos mula sa mga pampublikong talaan at iba pang sources. Nakakakuha din kami ng datos tungkol sa negosyo mula sa aming mga user na tumutulong sa pagwawasto ng mga impormasyon na meron kami. Minsan pinapaalam nila sa'min kung may bagong bukas na negosyo sa kanto. 'Wag kang mag-alinangan na ipaalam sa amin kung mali o luma na ang impormasyon namin!
Ang mga aspetong ito ay batay sa boto ng mga user na gumawa ng reviews sa mga negosyo. Pwedeng mabago ang mga 'to sa hinaharap habang nadadagdagan ang mga reviews na ginagawa ng ibang tao at patuloy din silang bumoboto. Ang ibang aspeto na pinapakita namin sa mga listahan ng negosyo (halimbawa: kung ang negosyo ba ay tumatanggap ng credit card o naaangkop ba ang pasilidad nila para sa mga taong naka-wheelchair) ay maaaring itakda ng may-ari ng negosyo kung nag-sign up siya para sa libreng Account Para sa May-ari ng Negosyo.
Pwedeng kilalanin ng lahat ng may-ari ang kanilang negosyo para makagawa ng account sa Yelp. Makatutulong ang mga libreng bagay na kasama nito sa may-ari ng negosyo sa pagsagot sa mga reviews, paglalagay ng impormasyon tungkol sa negosyo nila, pagdadagdag ng mga litrato, pagsubaybay sa aktibidad ng mga kostumer at para malaman ang iba pang impormasyon mula sa kanilang pahina sa Yelp. Ang lahat ng ito'y makukuha sa biz.yelp.com.ph.
Hindi pa. Wala pa kaming ganitong feature sa ngayon para sa [bansa mo].
Hindi. Hindi mo kami pwedeng bayaran para tanggalin o palitan ang pagkakasunud-sunod ng hindi magandang reviews mo — ganun lang 'yon kasimple. Mahalagang banggitin din namin kung ano ang nagpapatatag sa sistema namin: para sa'min, magkaiba ang aspeto ng negosyo na kumikita at ang aspetong nagbibigay ng makabuluhang nilalaman. Wala itong pinagkaiba sa mga naglilimbag ng diyaryo - nakahiwalay ang advertising nila mula sa pagbabalita nila.
Ang mga pahina ng resulta ng paghahanap sa Yelp ay nagtatampok ng isa o higit pang Yelp Ads na may malinaw na tatak, ngunit para sa mga de-numerong resulta ng paghahanap sa Yelp (lahat ng iba pang nakalista na may puting likuran) walang kinalaman ang estado ng mga negosyo sa mga ito kahit sila man ay nagbabayad sa amin para sa patalastas. Halimbawa, silipin mo itong resulta ng paghahanap para sa sikat na pariralang “Restaurant, San Francisco”. Noong Marso 2014, wala sa unang 10 restawran na lumabas sa resulta ang Yelp advertiser.
Malaki ang tiwala namin sa matatalino, masisipag at ethical na salespeople na nagtatrabaho sa Yelp. Maliban dito, meron din kaming mga ginagawang hakbang para masiguro na walang sino man sa pangkat namin ang magtatangkang mandaya ng sistema. Gaya ng:
Tumatawag ang aming salespeople sa mga lokal na negosyo para ipaalam ang tungkol sa aming mga targeted advertising programs; sinusubukan naming bumuo ng mga bago't matatag na relasyon nang hindi nang-iirita ng kahit sino. Bahagi ng pagbebenta ang pagiging masigasig, at kung sabihin ng tagapamahala ng negosyo na "wag magsawa sa pagtawag" o "tumawag ulit sa isang linggo," gagawin namin 'to! Hindi intensyon ng salespeople namin na mag-aksaya ng oras (sa'yo man o sa kanila). 'Pag sinabi mo sa Yelp sales rep na tumawag sa loob ng tatlong buwan, gagawin namin 'to. Pero kung ayaw mo nang makatanggap ng tawag, idadagdag ka namin sa listahan ng "Huwag Nang Tatawagan". Sabihin lang sa miyembro ng sales team namin na nakipag-ugnayan sa'yo o ipadala ang kahilingan mo.
Nakabatay ang resulta ng paghahanap ng Yelp sa algorithm na dinesenyo para magbigay ng pinakamagandang resulta ayon sa iba't-ibang aspeto, gaya ng mga salitang ginamit sa reviews, grado, at bilang ng reviews. Ginagawa namin ang aming makakaya para ayusin lalo ang mga resulta ng paghahanap para maihatid namin ang pinakamakabuluhang lokal na resulta sa aming mga user.
Kapag natapos mo na ang proseso ng pagrehistro, makakatanggap ka ng email na may espesyal na link. Pindutin mo i'to para kumpirmahin ang account mo. Kapag nakita mo na ang mensahe sa email inbox mo, buksan 'to at pindutin ang link ng beripikasyon, o kaya'y i-copy and paste ito sa browser mo. Sa puntong 'to, makukumprima na ang account mo. Ipaalam lang sa'min kung hindi 'to gumana.
Para baguhin ang profile o palitan ang ibang detalye sa account mo, mag-log in at i-click ang user name na makikita sa taas na bahagi ng kahit aling pahina (kasunod ng "Aktibidad ng mga Kaibigan") at saka piliin ang "Account Settings". Pwede mo nang baguhin ang account preferences dito.
Mahahanap ang mga email address at password sa "Account Settings" na lumalabas kapag na-click ang user name mo na nasa kanang itaas na bahagi ng kahit aling pahina. I-click ang link na 'yon para mapunta ka sa pahina ng Account Settings, o i-click dito para direktang mapunta sa mga email addresses mo.
Kahit sino ay pwedeng magbasa ng mga reviews, sumilip sa profile ng account mo, tumingin ng mga larawan, bookmark, at iba pang nilalaman na idinagdag mo sa site. Ang pampublikong profile mo ay batay sa pangalan at unang titik ng apelyido mo (halimbawa: "Andres B."). Maliban sa pagba-browse sa site para mahanap ang profile at magagandang reviews mo, pwede ka ding hanapin ng ibang tao sa pamamagitan ng "Member Search" feature, o kaya'y gamit ang "Instant Personalization Feature" ng Facebook, at iba pang features na makatutulong sa mga user na magdagdag ng kaibigan sa Yelp. Pwede mong ayusin ang settings ng privacy dito.
Pwedeng i-click dito para isarado ang user account mo. Kung hindi mo mamasamain, gusto sana naming malaman kung bakit pinili mo nang umalis. Importante sa'min ang feedback mo, para lalo naming mapabuti ang Yelp. Kung meron kang hindi nagustuhan sa Yelp, sabihin mo ito sa'min para magawa namin ang aming makakaya para baguhin 'to.
Walang pinagkaiba sa mga kaibigan sa tunay na buhay ang mga kaibigan sa Yelp. Sila'y mga taong gusto mong makasalamuha at gusto mong ipagmalaki sa iba bilang kabarkada mo. Siyempre, hindi mo kailangang maging kaibigan ang isang tao para magpadala ng papuri o magbasa ng kanilang mga reviews. Kaya tandaan mo na gaya ng tunay na buhay, hindi lang limitado sa mga malalapit mong kaibigan ang mga karanasan ibabahagi mo sa Yelp .
Mas masayang mag-Yelp kapag nandito din ang mga taong kakilala mo. Kaya imbitahin na ang lahat ng mga kaibigan, kamag-anak at katrabaho mo, pati na din ang mga kagalit mo. Basta dapat may baon silang makabuluhang reviews! Pwede 'tong gawin sa pamamagitan ng pagpindot sa tab na "Hanapin ang mga Kaibigan" na makikita sa itaas na bahagi ng alin mang pahina sa Yelp. Ilagay doon ang email address ng mga taong gusto mong sumali sa network mo.'
Gumawa na kami ng mensahe ng imbitasyon para sa'yo, pero syempre pwede mo 'tong baguhin. Awtomatikong nakalagay sa imbitasyon ang pangalan at apelyido mo, ayon sa Yelp account settings mo. Nakalagay ang email address mo sa linyang "Mula Kay:". Pagkatapos mong ayusin ang mensahe, pindutin lang ang "Ipadala".
May kasamang link ang imbitasyon na magdadala sa kaibigan mo papunta sa Yelp, kung saan makakapagbasa sila ng karagdagang impormasyon kung bakit Yelp ang pinakamadali at pinakamasayang paraan para magrekomenda at pag-usapan ang tungkol sa mga magagandang bagay sa mundo. 'Pag tinanggap nila ang imbitasyon, awtomatiko silang masasama sa network mo.
Hinay-hinay lang! Magsimula sa pagpunta sa Pahina ng mga kaibigan sa Account settings. Para tanggalin ang kaibigan, pindutin ang kulay abong "X" na nasa kanang bahagi ng taong gusto mong tanggalin.
Pwede kang "sundan" ng mga users (tingnan ang link sa user profile na nagsasabing "Sundan Ang Nagsulat Ng Review Na Ito") at magiging follower mo na sila. Hindi mo malalaman kung sino sila pero ito ang kanilang paraan para ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa patuloy mong paggamit ng Yelp. Una din nilang makikita ang mga reviews mo kapag naghanap sila ng negosyong ginawan mo na ng reviews.
Maipapakita mo ang pagpapahalaga mo sa reviews na sinulat ng iba sa pamamagitan ng pagpindot sa link na sa user profile na nagsasabing "Sundan Ang Nagsulat Ng Review Na Ito". Mapupunta din sa unahan ang mga reviews nila at una mo 'tong makikita kung maghahanap ka ng mga negosyong ni-review nila.
Kagaya ng mga bookmark sa web browser mo, ang mga bookmark sa Yelp ay paraan para malagyan mo ng marka ang negosyo o review para hindi mo makalimutang balikan ang mga ito sa hinaharap. Madaling mahahanap ang mga buton ng bookmark sa itaas na bahagi ng bawat nakalistang negosyo at sa ibabang bahagi ng mga reviews para sa mga negosyo. Pindutin ang buton ng bookmark para madagdag ang partikular na negosyo sa listahan mo. Makakita mo, at ng ibang tao, ang listahan ng bookmark mo sa pamamagitan ng pagpunta sa profile mo at pagpili sa tab na "Bookmark". Nasa ibabaw ng profile ang tab na 'to. Laging makikita ng user ang kanilang mga bookmark pero pwede ding gawing pribado para hindi makita ng iba. Ang "Pribado" ay pwedeng makita sa ibabaw ng listahan. "Gawing Pampubliko" ang default at nangangahulugan ito na makikita ng iba ang listahan ng bookmark mo.
Ang ilan sa mga negosyo ay nagaalok ng diskwento kapag nag-check in sa kanila ang mga yelper. Pwede mong malaman kung aling mga lugar ang nagbibigay ng ganitong alok sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang pahina ng negosyo sa mobile app o kaya ay sa pamamagitan ng pag-tap sa "Alok sa Check-In" sa screen.
Kapag nag-check in ka sa negosyong nag-aalok, agad-agad kang makakatanggap ng sertipiko sa mobile app. Nasa'yo ang pagpapasiya kung gagamitin mo na 'to agad o hindi muna.
Mula sa mobile app mo, bisitahin ang bahaging para sa mga Deals at saka i-tap ang "Aking Mga Deals", kung saan matatagpuan ang lahat ng mga alok na nakuha mo. Ipakita lang ang telepono mo sa empleyado ng negosyo para makuha ito.
Pwede kang makakuha ng mga badge sa pamamagitan ng pag-check in sa mga negosyo. Ang uri ng badge na makukuha mo ay depende sa uri ng negosyo kung saan ka nagche-check in - halimbawa, 'pag nag-check in ka sa maraming restawran ng sushi makakakuha ka ng Sushi Sensei badge. Pwede ka ding makakuha ng iba pang badges sa pamamagitan ng pag-check in sa mga negosyo kasama ang mga kaibigan mo.
Pwede mong makita ang badges mo sa pamamagitan ng pagbukas sa Yelp mobile app para sa iPhone, Android o Blackberry at pagpindot sa Tungkol Sa'kin. Makikita mo dito kung ilang badges na ang nakuha mo. Pwede mo ding gamitin ang mobile app para tingnan ang badges ng ibang tao na makikita sa kanilang user profile.
Kung naka-log in ka sa Yelp, meron kang pagkakataon na gamitin ang listahan ng kontak sa telepono mo para hanapin ang mga kaibigan mo na nasa Yelp din. Tapos, pwede ka nang magdesisyon kung idadagdag mo sila bilang kaibigan sa account mo sa Yelp. Ginagamit din ang impormasyong 'to para sa awtomatikong pagdagdag ng datos ng kontak para sa Yelp Deals gifts sa mga kaibigan mo, ganun din kapag nagpapareserba gamit ang OpenTable. Dahil dito, nagiging madali ang paglagay ng hinihinging impormasyon. Walang email na ipapadala sa kahit sino man sa listahan ng kontak mo nang walang pahintulot galing sa'yo. Hindi namin ibabahagi ang impormasyon tungkol sa mga kontak mo sa kahit sinong nagbebenta ng anumang bagay. Hindi rin nananatil sa amin ang datos ng mga kontak mo kapag natapos na ang proseso ng transaksyon.
Ito ang nagbibigay ng pahintulot sa app na gamitin ang kamera ng device para mag-upload ng mga larawan ng negosyo sa Yelp. Maliba diyan, gumagamit ang Yelp Monocle feature ng kamera para sa overlay ng impormasyon ng negosyo sa screen, depende kung saan man ituro ng user ang telepono nila. Hindi 'to kukuha ng litrato nang hindi nalalaman ng user.
Kung minsan, nagiging cached o naitatago sa telepono mo ang ilang mga larawan gaya ng litrato ng negosyo para mas madali 'tong makuha. Pwede ding matago ang ibang larawang kinuha mo habang ina-upload. Tinatanggal din 'to agad sa SD card mo kapag natapos na ang pag-upload.
Pwede kang maging Suki ng negosyo kapag nag-check in ka doon nang dalawang beses o higit pa sa nakaraang buwan. Pwedeng mawala ang titulo mo bilang Suki kung tumigil ka na sa pag-check in sa negosyong 'yon.
Binibigyan ng ranggo ang mga Suki ayon sa dami ng mga check in na meron sila sa isang negosyo. Mas binibigyang importansya ang mga pinakabagong check in. Para tumaas pa ang ranggo mo, dalasan ang pagbisita sa negosyo at 'wag kalimutang mag-check in. Ang pinakamataas na Suki (ang Suki na may ranggong #1) ang kokoronahan bilang Duke or Dukesa ng negosyo.
Ang pinakamataas na Suki (Suking may ranggong #1) ang may karapatang magsuot ng korona bilang Duke o Dukesa ng negosyo. Kailangang bumisita sa negosyo nang madalas at huwag kalimutang mag-check in para tumaas ang ranggo mo at maging Duke o Dukesa. Pwedeng mawala ang korona kung may ibang tao na mas madalas mag-check in sa nasabing negosyo kaysa sa'yo o kung sadyang hindi ka na nagche-check in doon sa loob ng ilang buwan.
Madali lang: kumuha lang ng pinakamaraming Dukado sa barangay mo at kokoronahan ka namin bilang Baron o Baronesa.
Matayog ang mga pangarap mo, ha? Gusto namin 'yan! Meron nang kautusan na ang user na may pinakamaraming Dukado sa isang siyudad ang kokoronahan bilang Hari o Reyna para sa siyudad na 'yon. Kung gumagamit ka ng iPhone, may bali-balita na gagantimpalaan ka din ng gilded app.
Sa totoong buhay, hindi ka pwedeng maging Suki sa negosyong hindi mo na binibisita. Kapag hindi ka na rin nag-check in sa isang negosyo, pwedeng mawala ang titulo mo bilang Suki. Dahil ang Dukado ay ibinibigay sa user na #1 Suki, pwede rin na mawala ang korona mo kapag tumigil ka sa pag-check in sa lugar na 'yon.
Dahil mas mahalaga ang mga pinakahuling check-in at hindi ginagamit na batayan ang mga kahina-hinalang check-in (halimbawa: sobrang dalas na pag-check in), posibleng maging Duke o Dukesa ang isang tao kahit may ibang user na may mas maraming check-in sa parehong negosyo.
Kung nagpatuloy sa pag-check in sa parehong negosyo ang mga user na may mas mataas na ranggo kaysa sa'yo, mananatili sila sa mas mataas na ranggo. Bilang karagdagan, nakakababa ng ranggo mo ang mga kahina-hinalang check-in (halimbawa: masyadong madalas na pag-check in).
Parati naming pinapakita ang kabuuang bilang ng mga check-in mo sa negosyo at sa mga Leaderboard. Hindi namin pinapakita ang kabuuang bilang ng check-in na meron ang ibang user dahil hindi lang ito ang basehan ng ranggo. Halimbawa, mas mahalaga ang mga pinakahuling check-in at hindi gaanong binibigyang halaga ang mga kahina-hinalang check-in (halimbawa: masyadong madalas na pag-check in).
Binili ng Yelp ang Qype noong Oktubre 2012. Pinagsanib na ngayon ang Qype at Yelp.
Nilipat namin ang karamihan sa mga larawan at reviews na nasa Qype papunta sa Yelp. Kung nagdagdag ka ng larawan at reviews sa Qype, pwede mong ikabit sa Yelp account mo ang mga 'to sa pamamagitan ng pagpunta sa link na 'to en.yelp.com.ph/qypeaccount. Pakitandaan lang na hindi mo na pwedeng ma-import ang iba pang kontribusyon sa Qype, gaya ng mga check-in, listahan/gabay at reviews ng mga virtual na lugar.
Kailangan mo lang gumawa ng account sa Yelp kung gusto mong (a) makuha ang mga larawan at reviews na una mong na-post sa Qype, o (b) mag-post ng mga bagong larawan at reviews. Pwede ka nang magsimula sa pamamagitan ng pagpindot dito.
Makipag-ugnayan sa user operations team namin sa en.yelp.com.ph/contact para tanggalin ang mga larawan at reviews una mong na-post sa Qype. Pakisama ang Qype username mo para mahanap namin 'to, maberipika at magawa ang kahilingan mo.
Seryosong usapin para sa'min ang privacy. Katulad mo, galit din kami sa spam. Nakikiusap kami na maglaan ka ng oras para basahin ang aming patakaran sa privacy para maunawaan mo kung ano ang ginagawa namin sa personal na impormasyon tungkol sa'yo.
Kung nakatanggap ka ng mga mensahe na mukhang spam mula sa iba pang miyembro ng Yelp, o kung nakatanggap ka ng mensaheng bastos, mapang-abuso, o may nilalaman na lumalabag sa aming Tuntunin ng Serbisyo, nakikiusap kami na magpadala ka ng report dito.
Pwedeng makipag-ugnayan sa'yo ang ibang user sa Yelp, kabilang na ang mga negosyong ginawan mo ng reviews. Kung ayaw mong makontak ng mga may-ari ng negosyo, pwede mong baguhin ang settings dito. Pwede mo ding pigilan ang pagpapadala sa'yo ng mensahe ng ibang user sa pamamagitan ng pagpili sa "Block User" na makikita sa ilalim ng kanilang account name kapag nagbabasa ka ng mensahe nila.
Mayroon kaming matinding respeto at pagmamahal para sa mga abugado (ahem), pero baka gusto mo munang pag-isipan ang mga sumusunod: Una, kailangang malaman mo ang tungkol sa tinatawag nilang Streisand Effect, na sa isang sandali lang ay nagiging malaking sakuna ang pinakasimpleng problema ng kostumer. Mahilig gumawa ng mga mapanakot na sulat ang mga abugado. Pero sa halip na matakot, ginagawang pampubliko ng mga nakakatanggap ng ganitong sulat ang impormasyon para magsilbing babala sa ibang tao na huwag nang tangkilikin ang negosyo mo. Pangalawa, mag-ingat sa mga abugado na mabilis pa sa alas-kuwatro kung magdemanda nang hindi sinasabi sa kliyente nila kung gaano kalaki ang gagastusin nila (tingnan ang halimbawa dito). Bilang panghuli, huminto ka muna at huminga ng malalim: kung kumbinsido ka talaga at halatang kasinungalingan lang ang nakasulat sa review, malamang ganito din ang iisipin ng mga kostumer mo. Kung hindi man, laging nagmamasid ang recommendation software ng Yelp at di magtatagal ay mapapagtagpi-tagpi din ang tunay na kwento, at hindi masasama sa rekomendasyon ang pekeng review.