Tungkol Sa Amin

Ang tungkulin namin: Pag-ugnayin ang mga tao at mga pinakamagaling na negosyo

10 Bagay Na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Yelp

  1. Itinatag ang Yelp noong 2004 para madaling mahanap ang mga nangungunang negosyo, gaya ng taga-ayos ng buhok, dentista, at mekaniko.
  2. Sa bawat buwan, umaabot sa 25 milyon ang bagong bisita sa Yelp na gumagamit ng Yelp app. Noong Q3 2016, umabot naman sa 72 milyon ang bagong bisita sa Yelp na gumagamit ang mobile web.*
  3. Nakapagsulat na ng higit sa 115 milyon na mga reviews ang mga Yelpers batay sa huling bilang noong Q3 2016
  4. Maliban sa mga reviews, pwede mo ding gamitin ang Yelp para humanap ng mga kaganapan, mga listahan at para makipag-ugnayan sa iba pang Yelpers.
  5. Pwedeng gumawa ng libreng account ang lahat ng may-ari (o tagapamahala) ng negosyo para makapagdagdag ng mga larawan at makapagpadala ng mensahe sa mga kostumer nila.
  6. Kumikita ang Yelp sa pamamagitan ng pagbebenta ng ads sa mga lokal na negosyo - madaling makita kung alin sa mga ito ang nagbabayad ng ads dahil may label ito na "Yelp Ads".
  7. Hindi pwedeng palitan o pagandahin ng mga advertisers ang kanilang mga reviews.
  8. Gumagamit ang Yelp ng awtomatikong software na nagrerekomenda ng pinakamakabuluhan at pinakamaaasahang mga reviews para sa komunidad ng Yelp. Galing sa milyun-milyong reviews na natatanggap namin ang mga nirerekomendang reviews. Sinusuri ng software ang dose-dosenang senyal, kasama na ang iba't-ibang panukat ng kalidad at aktibidad sa Yelp. Hindi naaapektuhan ng advertisers sa Yelp ang prosesong ito. Alamin ang karagdagang impormasyon dito.
  9. Pwede mong gamitin ang Yelp sa iPhone, Android, at iba pa - tingnan ang buong listahan ng mobile apps dito.
  10. Inihahatid ng Lokal na Yelp ang mga balita tungkol sa pinakabago at pinakainaabangang pagbubukas ng negosyo & iba pang kaganapan.
* Mula sa: “Mga Users” na kasama sa bilang ng Google Analytics