Login/signup screen ng Facebook
|
|
| Uri | Pampubliko (NASDAQ: FB) |
|---|---|
| Itinatag | Pebrero 4, 2004 |
| Punong tanggapan | Menlo Park, California, US |
| Lugar ng paglilingkod | Estados Unidos (2004–05) Buong mundo (2005–kasalukuyan) |
| (Mga) tagapagtatag | |
| Key people | Mark Zuckerberg (Chairman at CEO) Sheryl Sandberg (COO) |
| Industriya | Internet |
| Mga mangagawa | 7,185 (Hunyo 2014) |
| Mga sangay | |
| Websayt | facebook.com |
| Katayuan sa Alexa | |
| Uri ng sayt | Social networking service |
| Pagrehistro | Kinakailangan |
| Mga tagagamit | [email protected] |
| Mga wikang mayroon | 70 |
| Kasalukuyang katayuan | Gumagana |
Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.
Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes habang mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard.[1] Noong una, limitado ang pagsapi sa website na ito sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa ibang mga kolehiyo sa Boston, ang Ligang Ivy at Pamantasan ng Standford. Nang kalaunan, lumawak pa ito at napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan, mayroon na ang Facebook ng mahigit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo.[2]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Talumbuhay ng mga Ehekutibo", Facebook. Kinuha noong Agosto 16, 2008.
- ↑ "Mga estadistika ng Facebook". Kinuha noong Enero 9, 2009.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.