Lungsod ng New York
| Lungsod ng New York | |||
|---|---|---|---|
|
|||
| Palayaw: The Big Apple, The City That Never Sleeps, Gotham, The Capital of The World (Novum Caput Mundi), The Empire City, The City So Nice: They Named It Twice. | |||
Kinaroroonan sa estado ng New York |
|||
| Mga koordinato: 40°43′N 74°00′W / 40.717°N 74.000°W | |||
| Bansa | Estados Unidos ng Amerika | ||
| Estado | New York | ||
| mga Borough | Bronx Brooklyn Manhattan Queens Pulo ng Istaten |
||
| Settled | 1624 | ||
| Pamahalaan | |||
| • Alkalde | Michael Bloomberg (I)[1] | ||
| Lawak | |||
| • Lungsod | 468.9 sq mi (1,214.4 km2) | ||
| • Lupa | 303.3 sq mi (785.6 km2) | ||
| • Tubig | 165.6 sq mi (428.8 km2) | ||
| • Urban | 3,352.6 sq mi (8,683.2 km2) | ||
| • Metro | 6,720 sq mi (17,405 km2) | ||
| Taas | 33 ft (10 m) | ||
| Populasyon (2012)[2] | |||
| • Lungsod | 8,336,697 (World: 13th, U.S.: 1st) | ||
| • Kapal | 27,083/sq mi (10,456/km2) | ||
| • Urban | 18,498,000 | ||
| • Metro | 18,818,536 | ||
| • Demonym | New Yorker | ||
| Sona ng oras | EST (UTC-5) | ||
| • DST | EDT (UTC-4) | ||
| Area code | 212, 718, 917, 347, 646 | ||
| Website | www.nyc.gov | ||
Ang Lungsod ng New York (opisyal: New York City; pinapaikling NYC) ay isa sa pinakamataong lugar sa mundo at nasa sentro ng media, pananalapi, komunikasyon, musika, fashion, at kulturang internasyonal. Isa ang lungsod sa mga pinakamahahalagang lungsod pandaigdig sa mundo na kung saan matatagpuan ang malawak at halos walang karibal-ribal na koleksiyon ng mga museo, galeriya, at venyung pantanghalan na uring pandaigdig o world class. Matatagpuan din dito ang karami-raming awtlets pammidiya, mga korporasyong internasyonal, at ang ilan sa mga pinakamahahalagang bolsa o stock exchange. Dahil tahanan nito ng United Nations, ang lungsod ay importante sa mga internasyonal na mga relasyon.
Ang lunsod ay ng New York ay naglalaman ng limang mga Boro: The Bronx, Brooklyn, Manhattan, Queens at Pulo ng Staten. Ang populasyon ng lungsod noong 2008 ay 8.3 milyon na katao at ang lugar ay may sukat na 305 Square Miles, ang Lungsod ay ang pinakamataong lugar sa Estados Unidos.
Noong 11 Setyembre 2001, inatake ng mga terorista ang Lungsod ng New York gamit ang apat na na-high jack na eroplano. 3000 tao ang napatay sa atake sa World Trade Center kasama ang mga taga-New York na nagtatrabaho sa mga gusali at daan-daang mga bombero, pulis, at rescue worker na nakitulong sa kanila. Isang makapal at maaskad na usok ang bumuga mula sa wásak nito nang iilang buwan pagkaraan ng malaimpyernong pagguho ng Twin Towers. Nakaahon na muli ang lungsod mula non at natapos nang maaga ang pisikal na pagsasalinis ng ground zero. Ipapatayo ang Freedom Tower, na hinahangad na magkaroon ng taas ng eksaktong 1776 talampakan (isang makahulugang numero bilang ang taon ng pagkasulat ng Deklarasyon ng Paglaya ng Estados Unidos), sa kinatatayuan at yayariin ng mga 2006 hanggang 2010.
Palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Bloomberg Leaving GOP". WCBS-TV. Accessed 19 Hunyo 2007.
- ↑ "Population Estimates for the 25 Largest U.S. Cities based on 1 Hulyo 2006 Population Estimates" (PDF). US Census Bureau. http://www.census.gov/Press-Release/www/2007/cb07-91table1.pdf. Hinango noong 28 Hunyo 2007.
Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
| May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong: |