Ito ay isang pagsasalin sa Tagalog ng "Cascading Style Sheets - CSS working group".
Para sa orihinal na bersyon sa Ingles, maaaring tingnan ang: http://www.w3.org/Style/CSS/members.php3
Ang pagsasalin na ito ay maaaring magkaroon ng mga pagkakamali. Ang tagasalin na si Thomas Ziegler ay hindi maaaring papanagutin sa kahit na anong tuwiran, di-tuwiran, espesyal, o kinalabasang pinsala na dulot ng paggamit ng isinalin na dokumento. Ang orihinal na bersyon sa Ingles lamang ang maituturing na may bisa at may pamantayang pagkukunan ng impormasyon.
(This page uses CSS style sheets)
Ang CSS working group [member-only link] ay responsable sa pangangalaga ng CSS.
Ang archived mailing list na [email protected] ay bukas para sa lahat. Maaari kang mag-subscribe dito (tingnan ang more info). Ito ang hinirang na lugar para sa mga diskusyon, dahil nakikita ito ng mga miyembro ng grupong nangangasiwa. Maaari lamang na huwag gamitin ang list na ito para sa mga katanungang ang tema ay “How do I...” sa halip gamitin ang comp.infosystems.www.authoring.stylesheets (“ciwas”) o tingnan ang “Learning CSS.”
Ang kasalukuyang balangkas ng ispesipikasyon ng CSS ay nakalista at ipinaliwanag sa pahinang “current work”. Noong Marso 2008, ang grupo ay nagsimulang gumamit ng Tracker upang magkaroon ng listahan ng mga issues, actions and group members. Tingnan din ang working group's charter (version 2006-2008).
Ang sumusunod ay ang kumpletong listahan ng mga W3C member organizations na sumali sa grupong nangangasiwa sa CSS na binubuo ng isa o higit pang katao.