Araw-araw ay ginagawang mas mainam ng data para sa iyo ang aming mga serbisyo.
Kaya naman mahalagang mapanatili namin itong pribado at ligtas – at hayaan kang magkontrol.
Tumutulong sa iyo ang data na masagot ang iyong mga tanong — kung kailan mo kailangan ang mga ito.
Tinutulungan ka nitong mahanap ang mga tamang salitang gagamitin, sa anumang wika.
At tinutulungan kang matapos ito sa tamang oras.
Tinutulungan ka nitong matuklasan ang video na nakakapagpatawa sa iyo — o ang bago mong paboritong kanta.
At tumutulong mahanap ang mga mahal mo sa buhay sa bawat larawan na kinukunan mo.
Personal ito. Kaya naman pinoprotektahan namin ang iyong data.