Quezon

Città in: Filippine
Scopri aziende locali su Facebook
Iscriviti subito a Facebook per scoprire le aziende locali nelle tue vicinanze.
Cosa dicono le persone

Isang tula bilang isang bahagi ng makasaysayang lugar na ito mga kabistro share ko lang poem ko about 70's bistro.... Kuwentong 70’s bistro Likha at titik ni Noel Malicdem,Arkitekto Dubai, UAE Kay sarap muling pakinggan Mga musikang kinagisnan Sa bandang Anonas matatagpuan Sa 70’s bistro lamang matutunghayan Nagsimula noong dekada ’90 Magbigay sigla sa larangan ng musika Masaksihang magtanghal mga makabagong banda At mapagbuklod muli mga musikero ng dekada ‘70 Ano mang klase at tugtog ang musika Bago man o luma basta may kiliti sa masa Musikang Pilipino sa mga titik at pagkalikha At sariwaing muli mga musika ng nagdaang dekada Isang lugar na may kalayaan Karaniwang tao dito ang tambayan Madama ang tunay na kapayapaan Musikang gamot sa magulong lipunan Bahagi ang bistro sa ating kasaysayan Saksi sa pagbabago at kaganapan sa ating bayan Musika ang paraan maiparating ang katotohanan Maiwasan ang maling pakikibaka sa maling paraan Dito rin halos ang madalas na tagpuan Mga taong may hinanakit at hinaing sa bayan Nagkakaisa sa mapayapang usapan Musika ang tinig para ipadama ang karaingan. Naging bahagi upang imulat ang kabataan Tangkilikin ang musikang pinoy ang pinagmulan At naganap ang konsiyerto ng bayan Bistro sa Amoranto hanggang pamorningan Nagbigay bahagi ng hustisya sa musikerong pinaslang Sa Quezon Circle nagtipon ang karaniwang mamamayan Para sa sa isang konsiyerto makamit ang katarungan Nilahukan ng mga musikero ng buong gabing kantahan Sa kabila ng maraming pagbabago Sa musika, politika, at buong mundo Sa himig ng musika nanatili ang bistro Musikang hanap ng mga karaniwang tao Ilang dekada na ang nakaraan Nanatili ang bistro sa mga pagsubok na dumaan Di nakalimot sa simpleng pinanggalingan Kasama ang mga musikerong bahagi ng kasaysayan Isa lang ako sa mga kabahagi at nakasaksi Kahit sa tula man lang aking maibahagi Alaala ng 70’s bistro na sadyang nakakawili. Malayo man sa bansa sa aking puso’y mananatili --noel malicdem

Dai un'occhiata ai punti di interessi localiVedi tutti i risultati per Punti di riferimento a Quezon City